Sana May Isang Salita

Ang hirap kausap ng tao/hindi taong walang isang salita. Hindi ka sigurado kung oo ba o hindi ang sagot niya/nito. Hindi mo alam kung totoo na ba o aasa ka na naman sa wala. Ang totoo niyan, nakakainis ka. Oo, ikaw.

Ano ba talaga? Dapat tumutulong ka sa pag hubog sa mga isipan ng mga taong tinatawag nating kabataan. Pero ano ang ginagawa mo? Hindi ito isang laro o negosyo lang. Kinabukasan ang pinag-uusapan. Higit pa sa pera ang puhunan at ‘di lang utak ang nakataya. Sana, sa pinaiiral mo/ninyong batas, kasama ang paghahanda sa kanila sa malupit na mundo. Sana mahubog ang mga katangian bilang isang tunay na tao at hindi lang kagalingan o pagiging eksperto sa larangan ng pagiging maka mundo.

Tao tayo.

Sana naman, hindi lang ang talentado o ang nakaka angat ang bigyan ng pabor. Sana hindi paulit-ulit ang mga taong nakaka tamasa ng tagumpay. Sana maibahagi ito sa lahat, sana maibahagi ang pagkakataon sa lahat dahil may karapatan ang bawat isa na makilala. Sana sa ninanais na rebolusyon, mapakita ang tunay na ibig sabihin nito. Hindi lang na gusto mong maipakita na kakaiba ka, ngunit nainisin mo nawa na ituro na ang pagiging kakaiba ay para basagin ang maling nakasanayan at hindi ituloy ang maling nakasanayan sa mas progresibong paraan.

Maganda ang ideya. Pero ang nagiging kinalabasan ay mga utak na nagmumura sa pagaakalang cool ka.. Sana makapag bigay ka rin ng mga pusong nagmamahal dahil magiting ka.

Di magtatagal aalis din ako sa’yo, ‘di na siguro lilingunin pa o maaari rin naman bumalik at itama ang nakakainis na sistema. Pero sa ngayon, di mapagkakailang kailangan pa kita kaya nakikiusap ang aba, humihingi ako ng wastong tulong galing sa’yo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s